Apple Inc. magtatayo ng panibagong Campus sa Texas; 15,000 trabaho ang malilikha

By Dona Dominguez-Cargullo December 14, 2018 - 06:32 AM

Nakatakdang magtayo ng panibagong Campus ang Apple Inc. sa Texas na nagkakahalaga ng $1 bilyon.

Inaasahang 15,000 trabaho ang malilikha ng nasabing Campus na itatayo sa Austin.

Plano din ng Apple na palawigin ang kanilang operasyon sa Seattle, San Diego at Culver City sa California.

Gayundin ang magdagdag ng daan-daang mga trabaho sa Pittsburgh, New York at Boulder, Colorado sa susunod na tatlong taon.

Ang expansion na ito ng Apple ay bahagi ng pangako ng mga kumpanya sa US na lumikha ng mas marami pang domestic jobs.

TAGS: apple inc, BUsiness, Radyo Inquirer, Texas, US, apple inc, BUsiness, Radyo Inquirer, Texas, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.