Amihan nagpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon

Maaga pa lamang ay naranasan na ang pag-uulan sa Metro Manila na dulot ng Hanging Amihan.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, ngayong araw ay magdudulot ang Amihan ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-uulan sa North at Central Luzon, lalawigan ng Rizal at Metro Manila.

Sa nalalabing bahagi naman ng Luzon at sa buong Visayas at Mindanao ay makararanas ng maalinsangang panahon maliban na lamang sa mga pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms.

Dahil sa Amihan, nakataas ang gale warning sa seaboards ng Northern Luzon, eastern seaboards ng Central at Southern Luzon at Eastern Visayas.

Mapanganib ang paglalayag ng maliliit na sasakyang pandagat dahil posibleng umabot sa 4.5 meters ang mga alon.

Read more...