Progresibo at nakakabilib.
Ganito isinalawaran ni Pangulong Rodrigo Duterte si Pope Francis na minsan niya nang minura dahil sa Papal Visit nito noong 2015.
Sa talumpati sa Las Piñas kung saan muling binanatan ni Duterte ang mga pari at ang Simbahang Katolika, inihayag ng presidente ang paghanga kay Pope Francis.
Muling sinabi ng presidente na karamihan sa mga pari ay mga bakla at hindi anya mapupunta ang mga ito sa langit.
“Itong Pope ngayon progressive ‘to. Bilib ako. Saludo talaga ako dito,” ani Duterte.
Matatandaang matapang na hinaharap ni Pope Francis ang isyu ng ‘homosexuality’ sa mga kaparian.
Ayon kay Pope Francis, ang mga pari na hindi kayang panatilihin ang kanilang ‘vows of celibacy’ o pag-iwas sa relasyong sekswal ay dapat umalis sa kanilang ministeryo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.