Martial law sa Mindanao pwedeng bawiin ng Kongreso

By Justinne Punsalang December 14, 2018 - 02:17 AM

Dahil Kongreso ang nagkaloob ng martial law sa Mindanao, ay maaari nila itong bawiin anumang oras.

Ito ang sinabi ni Albay Representative Edcel Lagman.

Aniya, kahit hindi hilingin ni Pangulong Rodrigo Duterte ay maaari nilang bawiin ang martial law at umiiral na suspensyon ng privilege of the writ of habeas corpus sa Mindanao.

Ang pahayag ng mambabatas ay kaugnay sa nalalapit na pagtatapos ng termino ng marami sa mga kongresistang pabor sa pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao sa ikatlong pagkakataon.

Matatandaang sa botong 235 YES, 28 NO, at 1 ABSTAIN ay naaprubahan ng Mataas at Mababang Kapulungan ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao hanggang December 31, 2019.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.