‘Slow-mo twirl’ ni Catriona Gray patok sa mga fans

By Justinne Punsalang December 14, 2018 - 01:37 AM

Vogue Thailand

Napa-wow ni Catriona Gray ang kanyang mga tagahanga sa kanyang pagrampa sa swimsuit preliminary competition ng Miss Universe 2018.

Suot ang isang pink one-piece bikini ay tiniyak ni Catriona na hindi siya madaling makakalimutan ng mga manonood at makikita ng lahat ang assets sa kanyang katawan.

Sa kalagitnaan kasi ng mahabang runway ay mabagal na umikot si Catriona bago nag-flip ng kanyang buhok at nagpatuloy sa pagrampa.

Matapos ang swimsuit round ay inirampa naman ni Catriona ang kanyang sparkly orange gown na mayroong mataas na slit na dinisenyo ni Mak Tumang.

Sa Instagram post ng fashion designer, ibinahagi nito na inspired ang gown sa ‘Ibong Adarna.’

Paliwanag ni Tumang, sumisimbolo ang ‘Ibong Adarna’ sa pagiging resilient, pagkakaroon ng boses upang maka-impluwensya, at pagkakaroon ng passion gaya ni Catriona.

Magaganap ang coronation night ng Miss Universe 2018 sa Lunes, December 17.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.