Dating mentor ng Qatar national team posibleng maging bagong coach ng La Salle

By Justinne Punsalang December 14, 2018 - 01:21 AM

Pinag-iisipan ngayon ng De La Salle University (DLSU) ang pagkakaroon ng bagong miyebro ng kanilang coaching staff matapos hindi makapasok sa finals ng UAAP Season 81.

Batay sa sources ng Inquirer, kinausap na ng La Salle ang dating coach ng national team ng Qatar na si Tim Lewis tungkol sa kanyang availability at kagustuhang maging bagong coach ng koponan kapalit ni Louie Gonzales.

Bago naging coach ng Qatar, naging chief tactician ng Thailand si Lewis noong 2016 Souteast Asian Basketball Association (SEABA).

2017 naman ay saglit tumulong si Lewis sa Gilas bago tuluyang naging coach ng Qatar.

Ngayong season ng UAAP ang unang pagkakataon na hindi napasama sa finals ang La Salle simula noong 2015. Natapos ang torneo nang mayroong 8-6 win-loss record ang koponan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.