Simula Dece,ber 16, nagpatupad ng pagbabago sa schedule ng mga tren ang Department of Transportation (DOTr) – Metro Rail Transit (MRT) – 3.
Ito ay bilang tugon sa panawagan ng mga pasahero na palawigin ang operasyon ng MRT-3 ngayong Christmas season, kung kailan matindi ang daloy ng trapiko sa maraming lugar sa Metro Manila.
Narito ang holiday schedule ng MRT-3:
- December 16, 22, at 23 — 4:27AM hanggang 10:10PM sa North Avenue Station; at 5:19AM hanggang 11:03 sa Taft Avenue Station
- December 17, 18, 19, 20, at 21 — 4:25AM hanggang 10:10PM sa North Avenue Station; at 5:17AM hanggang 11:01 sa Taft Avenue Station
- December 24 — 4:27AM hanggang 7:47PM sa North Avenue Station; at 5:19AM hanggang 8:38PM sa Taft Avenue Station
- December 25 — 6:28AM hanggang 9:10PM sa North Avenue Station; at 6:28AM hanggang 10:03PM sa Taft Avenue Station
- December 30 — 4:27AM hanggang 9:10PM sa North Avenue Station; at 5:19AM hanggang 10:03PM sa Taft Avenue Station
- December 31 — 4:27AM hanggang 7:47PM sa North Avenue Station; at 5:19AM hanggang 8:38PM sa Taft Avenue Station
- January 1 — 6:28AM hanggang 9:10PM North Avenue Station; at 6:28AM hanggang 10:03PM sa Taft Avenue Station
Nauna nang hiniling ng commuter groups na magkaroon ng extension sa operating hours ng MRT-3, lalo’t ramdam na ang Christmas rush, kabi-kabila rin ang Christmas parties at may mga humahabol sa pagsha-shopping.
MOST READ
LATEST STORIES