LOOK: Holiday schedule ng MRT ngayong holiday season

By Isa Avendaño-Umali December 24, 2018 - 05:30 AM

Simula Dece,ber 16, nagpatupad ng pagbabago sa schedule ng mga tren ang Department of Transportation (DOTr) – Metro Rail Transit (MRT) – 3.

Ito ay bilang tugon sa panawagan ng mga pasahero na palawigin ang operasyon ng MRT-3 ngayong Christmas season, kung kailan matindi ang daloy ng trapiko sa maraming lugar sa Metro Manila.

Narito ang holiday schedule ng MRT-3:

  • December 16, 22, at 23 — 4:27AM hanggang 10:10PM sa North Avenue Station; at 5:19AM hanggang 11:03 sa Taft Avenue Station
  • December 17, 18, 19, 20, at 21 — 4:25AM hanggang 10:10PM sa North Avenue Station; at 5:17AM hanggang 11:01 sa Taft Avenue Station
  • December 24 — 4:27AM hanggang 7:47PM sa North Avenue Station; at 5:19AM hanggang 8:38PM sa Taft Avenue Station
  • December 25 — 6:28AM hanggang 9:10PM sa North Avenue Station; at 6:28AM hanggang 10:03PM sa Taft Avenue Station
  • December 30 — 4:27AM hanggang 9:10PM sa North Avenue Station; at 5:19AM hanggang 10:03PM sa Taft Avenue Station
  • December 31 — 4:27AM hanggang 7:47PM sa North Avenue Station; at 5:19AM hanggang 8:38PM sa Taft Avenue Station
  • January 1 — 6:28AM hanggang 9:10PM North Avenue Station; at 6:28AM hanggang 10:03PM sa Taft Avenue Station

Nauna nang hiniling ng commuter groups na magkaroon ng extension sa operating hours ng MRT-3, lalo’t ramdam na ang Christmas rush, kabi-kabila rin ang Christmas parties at may mga humahabol sa pagsha-shopping.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.