Buy bust sa Laguna nauwi sa engkwentro; suspek napatay ng pulis

By Justinne Punsalang December 14, 2018 - 01:09 AM

Napatay ang isang target ng drug buy bust operation matapos ang isang shootout sa Barangay Tagapo, Sta. Rosa City, Laguna.

Kinilala ang nasawing drug personality na si Rommel Baladad alyas One Side.

Ayon kay Laguna Police Provincial Director, Senior Superintendent Eleazar Matta, naganap ang operasyon malapit sa isang mall sa lugar.

Aniya, nakatunog si alyas One Side na pulis pala ang kanyang katransaksyon dahilan upang bumunot ito ng kanyang baril at paputukan ang mga otoridad.

Gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan ang suspek.

Sinubukan pang dalhin sa ospital si alyas One Side ngunit idineklara itong dead on arrival.

Isang sachet ng shabu at kalibre .45 baril ang narekober mula sa pinangyarihan ng insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.