Pope Francis bibisita sa Bulgaria at Macedonia

AP

Inanunsyo ng Vatican ang pagbisita ng Santo Papa sa mga bansang Bulgaria at Macedonia sa May 5 hanggang 7 sa 2019.

Sa ngayon ay hindi pa inilalabas ng Vatican ang detalye ng pagbiyahe ni Pope Francis.

Ngunit ayon kay Vatican spokesperson Greg Burke, unang pupuntahan ni Pope Francis ang mga lungsod ng Sofia at Rakovski sa Bulgaria, bago magtutungo sa Skopje, Macedonia.

Bukod sa pagbisita sa mga nabanggit na mga bansa, magtutungo rin ang Santo Papa sa Panama, Morocco, maging sa United Arab Emirate (UAE).

Pinagpaplanuhan na rin sa ngayon ang posibleng pagtungo ni Pope Francis Madagascar at Japan.

Read more...