2019 national budget hindi pa rin naaprubahan bago mag-Christmas break ang Senado

By Justinne Punsalang December 14, 2018 - 01:07 AM

Gaya ng mangilang beses na pahayag ng mga senador, hindi naipasa ngayong taon ang panukalang national budget para sa taong 2019.

Ito ay dahil natapos na kahapon ang sesyon ng Senado para sa 2018 at nagsimula na ang kanilang Christmas break.

Magbabalik-sesyon ang dalawang kapulungan ng Kongreso sa January 14, 2019 at doon na ipagpapatuloy ng Senado ang pagtalakay sa panukalang budget.

Ayon kay Senador Migs Zubiri, sinikap nila na mabilisin ang paghihimay sa mga panukalang pondo sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga distrito sa Pilipinas, ngunit hindi talaga sapat ang panahon para matapos ito ngayong taon.

Ani Zubiri, maging si House Majority Leader Rolando Andaya, Jr., ay aminadong magaganap ang bicameral conference committee para sa 2019 national budget sa muling pagbubukas ng sesyon ng Kongreso.

Samantala, kabilang naman sa mga naaprubahan nang budget ay ang para sa Department of Tourism (DOT), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at Office of the President (OP).

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.