Militar nakahanda na sa planong mga pag-atake ng NPA

By Justinne Punsalang December 14, 2018 - 01:54 AM

Hindi na ikinagulat ng gobyerno ang anunsyo ng Communist Party of the Philippines (CPP) na inutusan nilang maglunsad ng mga pag-atake ang kanilang armed wing na New People’s Army (NPA).

Ito ang ipinahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa panayam ng mga media kahapon.

Ayon kay Lorenzana, hindi naman na bago ang pagbabanta ng CCP-NPA.

Aniya pa, kahit nga walang utos mula sa CPP ay patuloy ang pag-atake ng mga NPA. At pagtitiyak ni Lorenzana, laging nakahanda ang hanay ng militar upang harapin ang mga komunista.

Ang pahayag ng kalihim ay matapos ianunsyo ng CPP na aatasan nila ang NPA na umatake sa iba’t ibang bahagi ng bansa bilang pagpapakita ng kanilang hindi pag-sangayon sa pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Samantala, ayon naman kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo, mabuti na lamang at nanindigan ang kanilang hanay na hindi magdekalara ng ceasefire laban sa mga rebelde.

Sa ngayon ay nasa high-alert status na ang mga militar upang tumulong sa Philippine National Police (PNP).

Ayon pa kay Arevalo, bagaman wala nang iba sa pahayag ng CPP ay hindi nila minamaliit ang bantang mga pag-atake nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.