Balangiga Bells biyaheng Eastern Samar na ngayong araw

By Justinne Punsalang December 14, 2018 - 04:38 AM

Dadalhin na ang tatlong mga Balangiga Bells sa Guiuan, Eastern Samar ngayong araw ng Biyernes.

Matapos ilang araw na ipinakita sa publiko ang mga kampana ay nakasilid na ang mga ito sa mga crates at isasakay na ng isang military C-130 plane mamayang alas-6 ng umaga.

Mula Villamor Airbase ay lilipad ang C-130 plane patungo sa Guiuan. At mula doon ay dadalhin na ang mga kampana sa bayan ng Balangiga.

Sa umaga naman ng araw ng Sabado, December 15, ay nakatakda ang makasaysayang handover ceremony na dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte at kasunod nito ang thanksgiving mass na gaganapin sa Saint Lawrence the Martyr Parish.

Samantala, umabot hanggang alas-10 ng gabi ang dapat sana’y hanggang alas-5 lamang ng hapong public viewing ng mga kampana kahapon, araw ng Huwebes dahil sa dami ng mga humabol sa Philippine Air Force museum.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.