Singil sa tubig tataas simula Enero

By Rhommel Balasbas December 14, 2018 - 03:06 AM

Sasalubong sa Bagong Taon ang taas-singil sa tubig ng Maynila at Manila Water.

Ito ay matapos aprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang price adjustment dahil sa inflation.

Papalo sa P1 hanggang P1.50 kada cubic meter ang madadagdag sa buwanang bill ng mga consumer.

Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty, ang ginawang adjustment ay binase sa inflation rate noong Hulyo na pumalo sa 5.7 percent.

Ito anya ang dahilan kung bakit papataas ang singil kahit na bumaba ang foreign currency differential adjustment (FCDA) o ang pagbabago sa singil dahil sa paglakas ng piso.

Inaprubahan ng MWSS ang P0.90 kada cubic meter na bawas sa singil ng Maynilad habang P0.47 kada cubic meter sa Manila Water.

Gayunman, hindi ito sapat para pababain ang singil sa tubig dahil sa mataas na inflation rate.

Ngayong weekend na ilalathala ang water adjustments rates kaya’t makalipas ang 15 araw o mismong Enero 1 ay epektibo na ang dagdag-singil sa tubig.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.