Dating drug surrenderee muling naaresto sa Quezon City

By Justinne Punsalang December 14, 2018 - 02:00 AM

Balik-kulungan ang isang dating drug surrenderee matapos mapatunayang muling sangkot sa kalakaran ng iligal na droga.

Nakilala ang pangunahing target ng buy bust operation sa Barangay Ramon Magsaysay, Bago Bantay, Quezon City na si Jeffrey Enriuz alyas Ambo, 53 taong gulang.

Si alyas Ambo ay napag-alamang dati nang sumuko sa Barangay 164 sa Caloocan City ngunit bumalik sa pagbebenta at paggamit ng shabu.

Bukod kay alyas Ambo, nahuli rin ang kanyang mga kasamahang tulak din ng droga na sina Ronald Chico, 41 taong gulang; at Leo Jamaal Palicte, 36 na taong gulang.

Batay sa pagsisiyasat ng mga otoridad, si alyas Ambo ang supplier ng ipinagbabawal na gamot nina Chico at Palicte na sila namang mga kilabot na drug pusher sa bahagi ng Barangay Pasong Tamo sa Quezon City.

Nasamsam mula sa mga ito ang 11 na sachet ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P217,000.

Mahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.