Christmas party sa Iloilo City, nauwi sa saksakan

By Rhommel Balasbas December 14, 2018 - 02:07 AM

Imbes na palitan ng regalo, palitan ng saksak ang naganap sa isang Christmas party sa Iloilo City.

Ito ay matapos magpang-abot ang isang lalaki at ang umano’y kalaguyo ng kanyang asawa sa party.

Sugatan matapos magtamo ng saksak sa tagiliran si Daniel Pillora na nalamang kasama ng kanyang asawa ang kalugyo nito na si Rogen De Dios sa party.

Matagal nang naghihinala si Pillora na may relasyon ang kanyang asawa kay De Dios kaya’t nang magkaharap sa pagdiriwang ay nauwi ito sa gulo.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, tinangka ni Pillora na saksakin ng screwdriver si De Dios ngunit naagaw ito sa kanya dahilan para siya ang masaksak.

Sa ngayon ay nakakulong na ang suspek na piniling samahan ng misis kaysa sa sariling asawa na ngayon ay nagpapagaling sa ospital.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.