69 illegal aliens sa mga constructions sites sa Clark huli

By Alvin Barcelona December 13, 2018 - 06:25 PM

INQUIRER PHOTO/ ALEXIS CORPUZ

Animnapu’t siyam na mga Chinese at Korean nationals ang nakatakdang ipa-deport ng Bureau of Immigration dahil sa pagtatrabaho sa bansa ng walang working permit.

Ang 45 na Chinese at 24 na Korean ay inaresto ng pinagsamang puwersa ng Bureau of Immigration at Clark Development Authority sa construction sites ng Dongwang Clark Corporation at Clark Sunvalley Country Club sa Pampanga noong nakaraang Lunes.

Inamin ng mga nabanggit na dayuhan na mayroon lamang silang tourist visa na paglabag sa immigration law ng bansa.

Nasa 24 pang koreans ang inimbitahan ng BI pero pinalaya din matapos na magpakita ng balidong working permit.

Ang mga inarestong dayuhan ay dinala na sa BI warden facility habang hinihintay ang kanilang deportation.

TAGS: chinese, Clark, illegal alien, korean, Pampanga, working permit, chinese, Clark, illegal alien, korean, Pampanga, working permit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.