CHR takot sa martial law extension sa Mindanao

By Den Macaranas December 13, 2018 - 04:51 PM

Inquirer file photo

Hindi kampante ang Commission on Human Rights (CHR) sa pagpapalawig ng isa pang taon sa martial law sa buong Mindanao region.

Sa kanilang pahayag ay sinabi ng pamunuan ng CHR na mapanganib ang pagpapatupad ng batas militar sa Mindanao.

“There have been reports from the ground coming from human-rights defenders involving different violations such as: massive numbers of internally displaced persons, arbitrary detention, profiling, threats, torture and killings,” ayon kay CHR Chairman Jose Luis Martin Gascon.

Naniniwala rin si Gascon na posible pang madagdagan ang bilang ng mga biktima ng human rights violations at ito ang kanilang babantayan.

Hinimok rin ni Gascon ang pamahalaan na seryosohin ang mga ulat ng paglabag sa karapatang pantao at hindi ito dapat balewalain.

Kahapon ay pinagtibay ng Kongreso sa kanilang joint session ang isa pang taon na martial law extension sa pamamagitan ng botong 235 na pabor, 28 na hindi pabor at isang abstain.

Nauna dito ay nanindigan ang pangulo na kailangan ang batas militar dahil nananatili pa rin ang banta ang terorismo at komunismo sa buong rehiyon.

TAGS: Chito Gascon, commission on human rights, Congress, duterte, Martial Law extension, Chito Gascon, commission on human rights, Congress, duterte, Martial Law extension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.