P6.7 Billion na budget ng tanggapan ni Duterte pinagtibay na ng Senado
Hindi inabot ng 30-minuto at kaagad na pinagtibay ng mga senador ang panukalang P6.7 Billion na pondo para sa Office of the President (OP).
Ito ay makaraan nilang himayin ang panukala sa mga paggagamitan ng nasabing pondo na bahagi ng panukalang P3.7 Trillion na national budget sa taong 2019.
Nauna dito ay naikalendaryo kahapon para sa senate scrutiny ang nasabing budget pero ito ay nabalam dahil sa ginanap na joint session kung saan ay pinagtibay ang isang taong extension ng martial law sa buong Mindanao region.
Makaraan ang paghimay sa pondo ng tanggapan ng pangulo ay kaagad ring isinunod ang budget para sa tanggapan ni Vice President Leni Robredo.
Umabot lamang ng higit sa P500 Million ang pondo ng tanggapan ni Robredo makaraang alisin ang ilang bahagi nito na ayon sa mayorya ng mga senador ay hindi kailangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.