Mapua at National Teachers College magsasanib na
Nagbigay na ng approval ang Philippine Competition Commission (PCC) para sa merger sa pagitan ng mga may-ari at operators ng Mapua University at National Teachers College, iPeole Inc. (IPO).
Ang nasabing P15.5 Billion merger ay isinapubliko ng PCC makaraang magsumite ng kanilang impormasyon ang nasabing mga grupo sa naturang ahensya.
Sinabi ni IPO information officer Maria Esperanza Joven na naisumite na rin nila ang lahat ng mga kinakailangang dokumento sa PCC para sa merger.
Sa ilalim ng Philippine Competition Act, ang PCC ay may mandato na idaan sa kaukulang pag-aaral at review ang lahat ng mga transakyon kaugnay sa pagbebenta o pagsasanib ng dalawa o higit pang mga kumpanya o business entities na ang halaga ay P2 Billion pataas.
Layunin nito na mabigyan ng proteksyon ang publiko at ang mga negosyo para sa fair market competition at bantayan ang tinatawag na “anti-competitive behavior”.
Ang IPO na pinamumunuan ng pamilya Yuchengco ang siyang kumpanya na nagmamay-ari at operator ng Malayan Educationa System Inc. na tagapamahala sa Mapua University.
Bukod sa kanilang Intramuros campus, mayroon ring Mapua University sa Buendia, Makati City maliban pa sa Malayan Colleges sa Laguna at Malayan High School Science Inc.
Ang National Teachers College ay nasa ilalim naman ng AC Education at kabilang sa mga subsidiaries nito ay ang APEC School at University of Nueva Caceres sa ilalim ng Ayala Corporation.
Laman ng kasunduan ang 51.3 percent share para sa IPO at ang natitirang 33.5 percent naman ay para sa AC Education.
Unang naisapubliko ang posibleng merger ng nasabing mga educationa institutions noong nakalipas na buwan ng Enero nang ihayag ito ng Ayala Corporation makaraan silang magkasundo sa isang non-biding term sheet.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.