Cong. Suarez hinamon ng Malakanyang na maglabas ng ebidensya sa akusasyon laban kay Diokno

By Chona Yu December 13, 2018 - 12:45 PM

Tahasang hinamon ng Malakanyang si House Minority Floor Leader Danilo Suarez na maglabas ng ebidensya sa akusasyon nitong minaniobra ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang pambansang budget para sa susunod na taon.

Pahayag ito ng palasyo matapos akusahan ni Suarez na naglaan si Diokno ng P2 billion budget para sa infrastructure projects ng Sorsogon na ayon sa kongresista ay may anggulo ng conflict of interest.

Pahayag ni Panelo, kung sino ang nag-aakusa ay siyang dapat na maglabas ng patunay o anomang katibayan.

Pinaka-basic aniya na kapag nag-akusa ang isang tao dapat ay may kaabikat itong ebidensiya.

Pero habang hindi aniya napatutunayan ang nasabing akusasyon, sinabi ni Panelo na hindi magbabago ang pagkakilala ng Malacañang sa integridad ni Diokno.

TAGS: benjamin diokno, Danilo Suarez, Salvador Panelo, benjamin diokno, Danilo Suarez, Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.