Sa inilabas na abiso ng FDA, ang Family Care Digital Thermometer ay hindi rehistrado sa kanila.
Sa isinagawang post-marketing surveillance ng FDA, natuklasang hindi sumailalim sa registration process ang produkto at wala silang inilabas na authorization para maibenta ito sa merkado.
Ayon sa FDA, malinaw sa FDA Act of 2009 na ang mga produkto na walang authorization mula sa ahensya ay hindi dapat ibinebenta, ginagamit o ipinapakalat.
Mahigpit ang babala ng FDA lalo na sa mga health professionals na huwag gamitin ang thermometer na mayroong nabanggit na brand.
Para din makatiyak, bago bumili ng medical device ay mabuting i-check muna sa website ng FDA kung ito ay rehistrado.