Publiko pinag-iingat ng FDA sa paggamit ng hindi rehistradong digital thermometer

By Dona Dominguez-Cargullo December 13, 2018 - 12:10 PM

Pinag-iingat ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko sa pagbili at paggamit ng isang brand ng digital thermometer.

Sa inilabas na abiso ng FDA, ang Family Care Digital Thermometer ay hindi rehistrado sa kanila.

Sa isinagawang post-marketing surveillance ng FDA, natuklasang hindi sumailalim sa registration process ang produkto at wala silang inilabas na authorization para maibenta ito sa merkado.

Ayon sa FDA, malinaw sa FDA Act of 2009 na ang mga produkto na walang authorization mula sa ahensya ay hindi dapat ibinebenta, ginagamit o ipinapakalat.

Mahigpit ang babala ng FDA lalo na sa mga health professionals na huwag gamitin ang thermometer na mayroong nabanggit na brand.

Para din makatiyak, bago bumili ng medical device ay mabuting i-check muna sa website ng FDA kung ito ay rehistrado.

TAGS: digital thermometer, FDA, Health, digital thermometer, FDA, Health

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.