Barangay treasurer sa North Cotabato patay sa pananambang

Patay makaraang pagbabarilin ang isang barangay treasurer sa Midsayap, North Cotabato.

Ayon kay Supt. Joan Maganto, hepe ng Midsayap police, ang biktima ay nakilalang si Ahmad Kumayog, 43 anyos.

Siya ay kasalukuyang treasurer sa Barangay Mudsing at aktibo sa pagsusulong sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Sinabi ni Maganto na chairperson din ng United Youth for Peace and Development (UNYPAD) ang biktima.

Sakay ito ng kaniyang motorsiklo pauwi ng bahay nang siya ay tambangan ng dalawang armadong lalaki.

Isinugod pa sa ospital si Kumayog pero idineklarang dead on arrival.

Read more...