69 na dayuhan inaresto dahil sa ilegal na pagtatrabaho sa Clark, Pampanga
By Dona Dominguez-Cargullo December 13, 2018 - 10:58 AM
Aabot sa 69 na mga dayuhan ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark, Pampanga.
Ito ay makaraang matuklasan na nagtatrabaho ang mga dayuhan nang walang karampatang work visas.
Ayon sa BI, kabilang sa dinakip ay 45 mga Chinese at 24 na Koreans na ilegal na nagtatrabaho sa Dongwang Clark Corporation at sa Clark Sunvalley Country Club.
Isinagawa ng BI ang operasyon katuwang ang mga tauhan ng Clark Development Corporation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.