“Toxic” itinanghal na Word of the Year ng Oxford

By Dona Dominguez-Cargullo December 13, 2018 - 10:50 AM

Itinanghal na Word of the Year ng Oxford Dictionaries para ngayong 2018 ang salitang “Toxic”.

Sinabi ng Oxford na ngayong taon, ang salitang “toxic” ay gamit na gamit ng mga tao.

Ito ay ginagamit sa paglalarawan ng iba’t ibang bagay, sitwasyon o pangyayari, at karanasan.

Ayon sa Oxford, sa kanilang datos, tumaas ng 45% ang bilang ng ilang beses na paghanap ng salitang “toxic’ sa oxforddictionaries.com.

Sinabi ng Oxford na batay sa orihinal na kahulugan, ang ibig sabihin ng “toxic” ay nakalalason.

Pero kamakailan, ginagamit na ang “toxic” sa paglalarawan ng workplaces, eskwelahan, kultura, relasyon at iba pa.

TAGS: oxford, toxic, word of the year, oxford, toxic, word of the year

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.