P11M halaga ng smuggled na mga bigas nasabat sa Zamboanga

By Ricky Brozas December 13, 2018 - 09:59 AM

Nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang P11 milyon na halaga ng puslit na bigas sa Zamboanga City.

Ayon kay Lt. Commander Noriel Ramos, Zamboanga Coast Guard Station commander, naharang ang puslit na kargamento dakong alas-11:30 kagabi.

Tinatayang nasa pitong libong sako ng tig-25 kilo ng bigas ang nasamsam.

Nang dumating ang PCG, ilan umano sa mga kargamento ay nailipat na sa isang kalapit na moske at hinihintay nang kunin ng trak.

Nakaalis na rin umano ang barkong nagbyahe sa mga sako ng bigas nang dumating ang PCG anti-smuggling team.

Hinihinala umanong galing ng Malaysia ang rice shipment na tinatayang nagkakahalaga ng P11 million.

TAGS: coast guard, smuggled rice, coast guard, smuggled rice

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.