Tatlong sasakyan nagkarambola sa Makati

Inquirer file photo

Tatlong sasakyan ang nagkarambola sa bahagi ng Ayala Avenue sa Makati City.

Ayon sa Makati traffic, isang SUV ang mabilis ang andar galing Ayala Avenue at dumere-diretso kahit pula na ang traffic light.

Dahil dito, nabangga ng SUV ang isang MPV na bumangga naman sa isa pang kotse.

Sumalpok pa sa sidewalk ang SUV.

Sa kabila nito, wala namang nasaktan sa aksidente.

Aminado ang driver ng SUV na nakainom siya ng kaunti dahil galing siya sa Christmas party.

Read more...