Bangkay isinilid sa garbage bag at itinapon sa Quezon City

By Jong Manlapaz December 13, 2018 - 09:22 AM

Kuha ni Jong Manlapaz

Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan na nakasilid sa loob ng garbage bag sa Barangay UP Campus sa Quezon City.

Ang garbage bag na pinaikutan pa ng packaging tape ay natagpuan ng mga mangangalakal sa tapat ng Phivolcs sa kahabaan ngC P Garcia.

Hinila ng mga mangangalakal ang garbage bag sa pag-aakalang mayroon pa silang pakikinabangan sa basura, gayunman, nagduda ang mga ito dahil sa kakaibang bigat ng basura.

Doon na tumawag ng gwardya ang mga mangangalakal na siya namang nagpaalam ng insidente sa mga otoridad.

Sa inisyal na ulat, isang sasakyan ang namataan na pumarada sa lugar, alas 7:30 ng gabi ng Miyerkules.

Nang buksan ng mga tauhan ng SOCO ang garbage bag ay nakitaan ng mga tama ng saksak sa katawan ang bangkay.

TAGS: quezon city, summary execution, quezon city, summary execution

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.