200 katao pinagdadampot sa Maynila dahil sa paglabag sa Ordinansa

By Ricky Brozas December 13, 2018 - 09:05 AM

Umaabot sa 248 na katao ang pinaghuhuli ng Manila Police District (MPD) dahil sa paglabag sa mga ordinansa ng pamahalaang lungsod ng Maynila.

Ayon kay Sr. Insp. Ana Lourence Simbajon, ang 248 na dinakip ay mula alas 5:00 ng umaga kahapon hanggang alas 5:00 ng umaga ngayong Huwebes.

Kabilang sa mga dahilan ng pagdakip ay paglabag sa smoking bam, paglalakad ng nakahubad sa mga pampublikong lugar, pag-inom ng alak sa mga lansangan at iba pa.

Ayon kay Simbajon, pinaigting ang pagpapatupad ng Anti- Criminality Operations sa lungsod ng Maynila lalo na ngayong papalapit ang Pasko at Bagong Taon.

TAGS: manila, Radyo Inquirer, manila, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.