Truck tumagilid sa Balintawak papasok ng NLEX

By Dona Dominguez-Cargullo December 13, 2018 - 08:38 AM

INQUIRER Photo | GRIG MONTEGRANDE

Maagang naperwisyo ang mga motorista sa bahagi ng Balintawak, Huwebes ng umaga.

Ito ay matapos tumagilid ang isang 16-wheeler truck sa northbound lane ng Balintawak Cloverleaf, papasok ng tollway ng North Luzon Expressway.

Kwento ng driver ng truck, patungo sana sila sa Valenzuela City upang kumuha ng plastic scrap.

Nasalpok aniya ang sasakyan sa isang concrete barrier at isang signage sa highway na nagresulta na sa pagtagilid nito.

Inamin naman ng driver na siya ay inaantok at maaring naidlip sya habang nagmamaneho.

Wala namang nasugatan sa aksidente pero pasado alas 9:30 na ng umaga ay patuloy pa ring inaalis sa lugar ang truck.

 

TAGS: accident, Radyo Inquirer, truck, accident, Radyo Inquirer, truck

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.