US-listed company sa China mangangailangan ng 100,000 Filipino teachers

By Ricky Brozas December 13, 2018 - 08:23 AM

Isang online English teaching company ang nagsabi na mangangailangan ang China ng 100,000 Filipino teachers sa susunod na limang taon.

Ayon sa pahayag ni 51Talk founder at CEO Jack Huang, naniniwala ang kanilang kumpanya na ang Pilipinas ay mayroong pinakamagagaling na online English teachers sa mundo.

Katunayan sinabi ni Huang, ang kanilang kumpanya na isang US-listed ay kasalukuyang mayroong 18,000 online English teachers at 16,000 dito ay Pinoy.

Malaking bagay aniya ang english proficiency ng mga Filipino teachers para sa tumataas na demand ng online education.

Malaking bagay din aniya ang pagiging masayahin ng mga Pinoy para makapagturo sa mga bata na edad 5 hanggang 12.

“We believe that Filipinos are the best online English teachers in the world to teach Chinese kids. Naturally happy and friendly Filipinos are perfect fit to educate children ages 5 to 12 years, which make up about 80 percent of 51Talk’s students,” ayon kay Huang.

Sinabi ni Huang na nananatili din ang Pilipinas sa mataas na rank nito sa IELTS English test sa Asya sa nakalipas na ilang taon.

TAGS: 51talk, BUsiness, Filipino Teachers, Radyo Inquirer, 51talk, BUsiness, Filipino Teachers, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.