Dumarami na ang bilang ng mga pasaherong bumibiyahe sa mga pantalan.
Sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kanilang Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2018 mula alas 6:00 ng gabi ng Miyerkules hanggang alas 12:00 ng madaling araw ng Huwebes (Dec. 14) umabot na sa 41,692 ang naitalang pasahero sa mga pantalan.
Kabilang sa nakapagtala ng mga bumiyaheng pasahero ang mga sumusunod na pantalan:
– National Capital Region/Central Luzon – 2,196
– Central Visayas – 9,011
– Southwestern Mindanao – 3,767
– Palawan – 16
– Southern Tagalog – 1,398
– Western Visayas – 6,013
– South Eastern Mindanao – 6,677
– Bicol – 1,334
– Northern Mindanao – 7,385
– Eastern Visayas – 2,493
– Southern Visayas – 1,402
MOST READ
LATEST STORIES