Tatlong magkakaanak arestado sa Marikina City

By Jong Manlapaz December 13, 2018 - 08:04 AM

Arestado sa isinagawang buy bust operation ng mga miyembro ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang magkakamag-anak sa Barangay Fortune sa Marikina City.

Pinangunahan ni P/Insp. Greco Gonzales ang operasyon sa Rivaras Compound.

Kinilala ang mga suspek na sina Richard Chavez alyas Rekrek, 42 anyos; Roland Chavez alyas Boy, 38 anyos; at Stephanie Nolasco alyas Pane, 32 anyos.

Isang report ang nakarating sa himpilan ng SDEU patungkol sa bentahan ng bawal na gamot na kinasasangkutan ‘di umuno nila alyas Rekrek, Boy at Pane.

Doon na nagkasa ng buy-bust operation ang SDEU at isang pulis ang nagpanggap bilang buyer.

Nang magpositibo ang buy-bust operation agad na inaresto ang mga suspek.

Nakuha sa kanila ang 6 na sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, at ang P500 na ginamit bilang buy-bust money at isang coin purse.

Sa kasalukuyan, ang mga suspek ay nakapiit sa himpilan ng pulisya at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Sec 5 at Sec 11 ng RA 9165.

TAGS: anti illegal drug operation, Marikina City, War on drugs, anti illegal drug operation, Marikina City, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.