Mga aakyat ng Baguio City pinayuhang gamitin ang mga bagong bukas na kalsada

DPWH Photo

Ilang araw bago ang Kapaskuhan ay pinayuhan ng Department of Public Works and Highways ang mga nagbabalak pumunta ng Baguio City na dumaan sa alternatibong mga ruta.

Ito ay dahil nananatiling nakasara sa mga motorista ang Kennon Road dahil sa nagpapatuloy na rehabilitasyon matapos ang serye ng mga landslide na idinulot ng mga pag-ulan.

Ayon sa DPWH, pwedeng gamitin ng mga motorista ang Asin-Nangalisan-San Pascual, Tuba Benguet-Tubao, La Union Boundary Road.

Mayroon umanong concrete barriers at reflective traffic signs na nakalagay sa naturang ruta at nakadeploy din ang mga traffic personnel dahil wala pang street lights sa lugar.

Tuwing ber months kung saan lumalamig ang panahon at ipinagdiriwang ang Kapaskuhan ay dumadagsa ang publiko sa Baguio City.

Read more...