Larawan ng suspek sa pagpatay sa Imam sa Baguio City inilabas ng pulisya

By Rhommel Balasbas December 13, 2018 - 06:37 AM

Photo: Baguio City Police

Inilabas na ng Baguio City Police ang larawan ng suspek sa pamamaril sa Imam na si Bedejim Abdullah.

Ang mga larawan ay kuha mula sa CCTV cameras malapit sa pinangyarihan ng krimen.

Sinumang may impormasyon tungkol sa suspek ay hinihikayat na agad na makipag-ugnayan sa mga pulis.

Sa katunayan, nakakolekta ng P1 milyon ang grupo ng mga Muslim sa Marawi City bilang reward sa makapagtuturo sa salarin.

Magkakaroon ng prayer rallies ang ilang Muslim communities sa Baguio City at Quiapo, Maynila bukas araw ng Biyernes, at sa Marawi City sa araw ng Linggo upang ipanawagan ang hustisya sa pagpatay kay Abdullah.

Inaasahan namang magbibigay ng update ngayong linggo ang binuong Special Investigation Task Group tungkol sa kaso.

TAGS: baguio city, Bedejim Abdullah, Radyo Inquirer, baguio city, Bedejim Abdullah, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.