10 arestado sa operasyon sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo December 13, 2018 - 06:30 AM

Arestado ang sampung katao sa ikinasang operasyon kontra ilegal na droga sa Maynila.

Unang nadakip ang isang alyas Iggie. Ginawa ang operasyon kay Iggie sa bahagi ng Pandacan, pero tumakas ito gamit ang motorsiklo at umabot ang habulan hanggang sa Quezon City kung saan siya nasukol.

Nakuha kay alyas Iggie ang apat na sachet ng hinihinalang shabu.

Samantala, sa isa pang operasyon sa Sta Mesa Maynila, naaresto naman ang pinagkukuhanan ng droga ni Iggie.

Nadakip sa isang kwarto sa hotel si alyas Opet at walo pa niyang kasama.

Isang buwan na umanong naka check-in sa hotel si Opet na kalalaya lamang sa bilangguan.

Nakuhanan din ang mga suspek ng mga sachet ng shabu.

Inaalam na ng mga otoridad ang posibilidad na kasabwat ng mga suspek ang ilang empleyado ng hotel kaya nakakalusot sila sa ilegal na aktibidad.

TAGS: arrested, drug suspects, manila, pandacan, sta mesa, War on drugs, arrested, drug suspects, manila, pandacan, sta mesa, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.