Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, ito ay dahil apektado pa rin ng mainit na hangin mula sa dagat Pacifico o Easterlies ang malaking bahagi ng Luzon kabilang na ang Metro Manila.
Sa Bicol Region at Eastern Visayas makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan dahil sa Easterlies.
Sa nalalabing bahagi ng Visayas at buong Mindanao naman ay magiging maalinsangan ang panahon na may posibilidad lamang ng mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Nakataas ang gale warning sa western at northern seaboards ng northern Luzon at eastern seaboards ng buong Luzon.
Ipinagbabawal ang paglalayag ng maliliit na sasakyang pandagat dahil sa mga alon na posibleng umabot ng 4.5 meters.