Buong Luzon, apektado na ng Hanging Amihan

By Rhommel Balasbas December 13, 2018 - 05:23 AM

Umiihip na ang Hanging Amihan sa buong Luzon ngunit sa extreme northern Luzon pa lamang nararamdaman ang may kalamigang panahon.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, ito ay dahil apektado pa rin ng mainit na hangin mula sa dagat Pacifico o Easterlies ang malaking bahagi ng Luzon kabilang na ang Metro Manila.

Sa Bicol Region at Eastern Visayas makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan dahil sa Easterlies.

Sa nalalabing bahagi ng Visayas at buong Mindanao naman ay magiging maalinsangan ang panahon na may posibilidad lamang ng mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Nakataas ang gale warning sa western at northern seaboards ng northern Luzon at eastern seaboards ng buong Luzon.

Ipinagbabawal ang paglalayag ng maliliit na sasakyang pandagat dahil sa mga alon na posibleng umabot ng 4.5 meters.

TAGS: 4am weather update, PAGASA DOST, 4am weather update, PAGASA DOST

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.