Ai-ai at asawang si Gerald Sibayan nagdiwang ng kanilang unang anibersaryo

By Justinne Punsalang December 13, 2018 - 12:16 AM

Ai-ai Delas Alas

Isang taon na ang nakalipas mula nang mag-isang dibdib sina Comedy Queen Ai-ai Delas Alas at kanyang asawa na si Gerald Sibayan.

Sa pamamagitan ng kani-kanilang social media accounts ay ipinaabot ng mag-asawa ang pagbati sa isa’t isa.

Partiklar na ibinahagi ni Ai-ai ang mga litrato mula sa kanilang kasal sa Christ the King Parish sa Quezon City.

Sa Instagram post ni Ai-ai ay nagpasalamat ito kay Gerald. Aniya, hiling niya sa Panginoon na humaba pa ang kanyang buhay upang mapahaba rin ang kanilang pagsasama.

Biro pa ng komedyante, nagpapasalamat siya dahil naranasan niya ring magkaroon ng wedding anniversary.

Sa kasunod na post ni Ai-ai ay ibinahagi nito na nagpunta silang mag-asawa sa Archdiocesan Shrine of Christ our Lord of the Holy Sepulchre sa Angeles, Pampanga upang magpasalamat at ipagdasal ang kanilang mga kaibigan at kaanak.

Sa post naman ni Gerald ay ibinahagi nito ang ilang litratong kuha mula sa kanilang kasal at sinabi na hindi niya kayang mabuhay nang wala ang kanyang misis.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.