3 patay sa pamamaril sa France; suspek nakilala na
Nasawi ang tatlo katao, habang sugatan ang 12 iba pa, mataps mamaril ang isang lalaki sa isang Christmas market sa Strasbourg, France noong Martes.
Pinangalanan na ng mga otoridad ang suspek sa shooting incident na si Cherif Chekatt, 29 taong gulang.
Nabatid na mayroong 25 criminal records si Chekatt, kabilang dito ang ilang kaso ng pagnanakaw.
Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang suspek ngunit nang halughugin ang kanyang apartment ng mga otoridad ay wala ito roon.
Samantala, kinundena ni European Parliament Antonio Tajani ang insidente ng pamamaril.
Kasabay nito ay magkakaroon ng isang minutong katahimikan ang European Parliament upang alalahanin ang tatlong mga namatay dahil sa walang katuturang insidente.
Sa ngayon ay patuloy pa ang pagsisiyasat ng mga otoridad tungkol sa motibo ni Chekatt sa pamamaril. Isa sa tinitingnang anggulo ang posibilidad na isang extremist ang suspek.
Samantala, kasunod ng pamamaril ay naghigpit na ng border security ang pamahalaan ng Germany.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.