Lumalabas sa pinakabagong mga datos ng Department of Health (DOH) na tumaas ng 735% ang kaso ng tigdas sa bansa mula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon.
Mula sa 454 cases na naitala noong Enero hanggang Nobyembre ng 2017 ay pumalo sa 3,793 ang kaso ng tigdas sa kaparehong panahon ngayong taon.
Isinisisi ni DOH Usec. Rolando Enrique Domingo ang paglobo na ito sa kawalan ng kumpyansa ng publiko sa bakuna.
Ayon sa kagawaran, umabot sa 48 ang nasawi dahil sa tigdas ngayong taon.
Pinakamarami ang naitalang kaso ng tigdas sa National Capital Region sa 739 na sinundan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na may 605.
Bumaba naman ang kaso ng sakit sa Zamboanga Peninsula sa 240 mula sa 259 noong nakaraang taon.
Samantala, tiniyak ni Domingo na ginagawa ng kagawaran ang lahat upang mapanumbalik ang tiwala ng mga mamamayan sa bakuna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.