Project engineer patay sa pamamaril sa Basilan

By Justinne Punsalang December 13, 2018 - 12:17 AM

Pinagbabaril ng riding-in-tandem ang isang project engineer na may hawak sa isang proyekto ng pamahalaan sa Basilan.

Kinilala ang biktima na si Engineer Elvin Sabdulla, 44 na taon at residente ng Barangay Balas sa Lamitan City, Basilan.

Ayon kay Isabela City Police chief for investigation, Senior Inspector Arnold Espares, umaga ng Miyerkules nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin si Sabdulla sa Barangay Cabunbata, Isabela City.

Walong tama ng bala mula sa kalibre .45 baril ang tumapos sa buhay ng biktima.

Matapos ang krimen ay tumakas ang mga salarin sakay ang motorsiklo patungo sa bayan ng Lantawan.

Si Sabdulla ay ang project engineer ng Triple H Construction Firm na silang nagpapatupad ng road construction project sa Isabela.

Inaalam na ng mga otoridad ang mga posibleng motibo sa pamamaslang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.