Mas maraming Filipino naniniwalang ipagtatanggol ng US ang Pilipinas sa tangkang pagsalakay – SWS

By Rhommel Balasbas December 13, 2018 - 04:27 AM

Sixty one percent o anim sa bawat sampung Filipino ang naniniwala na ipagtatanggol ng Estados Unidos ang Pilipinas sa pagtatangkang pagsalakay ng ibang bansa.

Ito ang lumalabas sa second quarter survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong Hunyo.

Sa naturang survey 9 percent ang nagsabing hindi ipagtatanggol ng US ang bansa habang 30 percent ang undecided o hindi tiyak.

Pinakamataas ang naniniwala na ipagtatanggol ng US ang Pilipinas sa Luzon na may 70 percent, sinundan ng Metro manila na may 64 percent, Visayas sa 54 percent ang Mindanao ay mayroon lamang 48 percent.

Lumalabas din na 47 percent ng mga Filipino ang dati nang may alam sa Mutual Defense Treaty ng US at Pilipinas bago pa man isagawa ang survey habang 53 percent ang narinig lamang ito sa survey.

Mataas din ang kumpyansa sa defense commitment ng US ng mga Filipino lalo na sa dati nang may alam sa sigalot ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.

Ginawa ng SWS ang survey bago ang ika-67 na anibersaryo ng Mutual Defense Treaty.

Nilagdaan ang naturang kasunduan noong Agosto 30, 1951 kung saan sinasabing ipagtatanggol ng Pilipinas at US ang isa’t isa sa tangkang pagsalakay ng ibang mga bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.