Niyanig ng magnitude 7.0 na lindol ang japan kaninang 5:51am ayon sa ulat ng U.S Geological Survey (USGS).
Sa paunang report ng USGS, naitala ang epicenter ng lindol 130-kilometers Southwest ng Makurazi Japan.
Kaagad na nagtaas ng tsunami warning ang Japan Meteorological Agency pero kaagad din nila itong binawi makalipas ang isang oras.
Sinabi naman ni Tetsuro Shinchi, spokesman ng Kagoshima Prepectural Government na bagama’t malakas ang naramdaman nilang pagyanig ay wala namang naitalang mga nasirang gusali sa kanilang lugar.
Ibinabala naman ng USGS na mas marami pang mga aftershocks ang dapat na asahan dahil sa naganap na pagyanig.
Kaagad ding inalerto ng pamahalaan ng Japan ang kanilang emergency team kaugnay sa nangyaring lindol.