2019 budget ng DENR aprubado na ng Senado
Ikinatuwa ni Environment Secretary Roy Cimatu ang paglusot sa Senado ng 2019 budget ng kanyang ahensya.
Ayon kay Cimatu, dahil sa pag-apruba ng Senado sa P24.17 bilyong pondo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa susunod na taon ay maisasapinal na at agad nilang masisimulan ang kanilang mga priority programs.
Aniya mandato ng DENR ang pagprotekta at pag-conserve ng mga natural na yaman ng Pilipinas, hindi lamang sa kasalukuyang henerasyo, ngunit maging sa hinaharap.
Nagpasalamat din si Cimatu sa pag-apruba ng mga senador sa pondo ng DENR noong Lunes makalipas ang dalawang oras na interpelasyon.
Mula sa pondo ng kagawaran, P5.07 bilyon dito o halos 21% ang nakalaan para sa forest and watershed management sa pamamagitan ng Enhanced National Greening Program (eNGP).
Habang P890 milyon naman ang para sa kampanya ng ahensya upang protektahan ang mga kagubatan sa bansa maipatigil na ang mga illegal logging.
Ilalan naman ang 3% ng pondo o P732 milyon para sa protected area development at wildlife protection and conservation.
P400 milyon ang ilalaan ng DENR sa pagsasaayos ng land administration and management, P267.69 para sa pagprotekta sa coastal and marine ecosystems, at paglilinis ng Manila Bay na may pondong P80 milyon.
Partikular na naglaan ang DENR ng P969.8 milyon para sa Environmental Management Bureau at P469.07 milyong para sa Mines and Geosciences Bureau.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.