2 mambabatas pumalag sa pahayag ni Andaya na hindi nila kailangan ng flood control projects

By Erwin Aguilon December 13, 2018 - 01:12 AM

Inquirer File Photo

Kinontra nina Catanduanes Representative Cesar Sarmiento at Sorsogon 2nd District Representative Deogracias Ramos ang naging pahayag ni House Majority Leader Rolando Andaya, Jr. na hindi kailangan ng kanilang distrito ng mga flood control projects.

Ayon kay Sarmiento, binabaha ang kanilang lalawigan kaya nararapat lamang ang nasabing proyekto.

Sinabi naman ni Ramos na madalas bahain ang bayan ng Irosin at Bulan kaya tama lamang ang flood control project.

Hindi rin masama, ayon kay Sarmiento, na makatanggap ng kanyang distrito ng malaking pondo para sa mga pagawaing bayan sa lalawigan.

Simula aniya 2010 ay tumatanggap ng nasa P1.5 bilyong budget allocation ang kanyang distrito.

Dapat din aniyang tingnan ni Andaya ang ibang distrito na tumatanggap ng mas malaki pang pondo kaysa sa kanilang distrito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.