Nag-aalangan si Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa US.
Ito ay kahit na nangako ang pangulo na bibisita siya sa Amerika kapag ibinalik na ng kanilang pamahalaan ang Balangiga bells sa Pilipinas.
Paliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, mas inaalala kasi ng pangulo ang malamig na klima doon.
Hindi maikakaila ayon kay panelo na hindi na kaya ng katawan ng pangulo ang malamig na klima.
Gayunman, sinabi ni Panelo na tatanungin niya muli ang pangulo kung itutuloy nito ang pagbisita sa Amerika.
Matatandaang makailang beses na ring ibinibida ni Pangulong Duterte na personal siyang inimbitahan ni US President Donald Trump na bumisita sa kanilang bansa.
Sa ilang pagkakataon ay binatikos ng pangulo ang mga Amerikano dahil sa pakikialam sa panloob na problema ng bansa.
Mismo ang dating pangulo ng US na si Barrack Obama ay ilang beses rin na nakatikim ng mura sa pangulo dahil sa pagpuna umano sa style ng kanyang pamumuno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.