900 pasahero apektado sa nagka-aberyang tren ng MRT-3
Isang tren ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) ang nagkaroon ng aberya ngayong hapon.
Sa advisory na inilabas ng Department of Transpostation (DOTr), nagkaroon ng isang sira ang isa sa mga tren ng MRT-3 kaya napilitan itong magbaba ng mga pasahero sa Southbound Cubao station.
“Electrical failure in motor” ang sinasabing dahilan ng DOTr na naka-apekto sa 900 mga pasahero.
Makalipas ang siyam na minuto ay naisakay rin ang mga stranded na pasahero at kaagad ring naibalik sa normal ang byahe sa buong ruta ng MRT-3.
Tiniyak naman ng DOTr na kaagad na magagawa ang nasirang bahagi ng tren dahil sapat ang kanilang mga spare parts.
Nauna dito ay ipinagmalaki ng kagawaran na unti-unti na nilang naisasa-ayos ang mga tren ng MRT-3 dahil sa serbisyo ng bagong maintenance provider.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.