LTFRB balik sa paghuli sa mga Angkas rider

By Isa Avedaño-Umali December 12, 2018 - 04:21 PM

Inquirer file photo

Magbabalik na sa panghuhuli ng mga Angkas biker ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.

Ito ay kasunod ng utos ng Korte Suprema na nagbabalik sa LTFRB ng kapangyarihang manghuli ng mga biker ng Angkas.

Ngayong araw ay inaasahang maglalabas ng resolusyon ang LTFRB, ayon sa Department of Transportation o DOTr.

Ito ay para muling makapag-apprehend ang mga tauhan ng LTFRB o enforcers ng Angkas bikers, at patigilin ang ride-hailing app sa kanilang operasyon.

Nag-isyu ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order o TRO laban sa utos ni Mandaluyong Regional Trial Court Branch 213 Judge Carlos na nauna nang nag-apruba ng preliminary injuction pabor sa Angkas.

Kaya mula noong August 20, 2018 ay muling nakabiyahe ang mga biker ng Angkas, at hindi sila pwedeng ma-apprehend ng LTFRB.

Pero dahil sa inilabas na TRO ng Supreme Court, sinabi ng DOTr at LTFRB na mas matitiyak ngayon ang kaligtasan at seguridad ng mga mananakay, dahil ang mga motorsiklo ay hindi anila ligtas na mode of public transport.

Samantala, ikinalungkot ng Angkas ang paglalabas ng SC ng TRO.

Sa isang statement, sinabi ng Angkas, nagkataon naman ang TRO ngayong holiday season kung kailan kailangan ng mga pasahero ang serbisyo ng Angkas, dahil sa bigat ng daloy ng trapiko.

Nasa alanganin din umano ang kabuhayan ngayon ng nasa 25,000 bikers ng Angkas, lalo’t magpa-Pasko.

Umaasa ang Angkas na sa bandang huli ay papanigan ng Korte Suprema ang gusto ng riding public, sabay pagtitiyak na ligtas ang kanilang serbisyo.

TAGS: Angkas, dotr, ltfrb, motorcycle, Supreme Court, tro, Angkas, dotr, ltfrb, motorcycle, Supreme Court, tro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.